-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Drugs Act of 2002 ang dalawang kataong nahuli sa buy-bust operation sa La Paz, Iloilo City.
Ang mga naaresto ay sina Ranier Amoroso, guwardya, residente ng Dela Rama, Iloilo City Proper, at Keith Oliver Estoque, waiter, residente ng Rizal Pala-Pala I, City Proper.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lieutenant Glen Soliman, team leader ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) Region 6, sinabi nito na nabilhan ng P17,000 na halaga ng shabu ang mga arestado.
Narekober rin sa kanilang posisyon ang 14 na sachet ng shabu na ipinalaman sa tinapay na nagkakahalaga ng P200,000.
Sa ngayon, nakakulong na sa La Paz Police ang mga arestado.