-- Advertisements --

subic1

Arestado ang apat na pulis at isang sibilyan sa isinagawang buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police (PNP) sa isang shabo shabu laboratory sa Zambales.

Isinagawa ang operasyon sa may Finback Street, West Kalayaan, SBMA freeport zone dakong ala-una kaninang madaling araw.

Kinilala ng PDEA ang mga naarestong pulis na protektor ng iligal na droga na sina: PLt. Reynato Basa Jr; P/Cpl. Gino Dela Cruz; P/Cpl. Edesyr Alipio; P/Cpl. Godfrey Parentela at ang sibilyang si Jericho Dabu.

Nakumpiska sa kanilang posisyon ang nasa isang kilo ng hinihinalang shabu, samu’t saring smart phones na posibleng ginagamit ng grupo sa kanilang transaksyon, iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng shabu, service firearms ng tatlong pulis, isang Honda Civic na posibleng ginagamit na getaway vehicle at ang boodle money na ginamit sa operasyon.

Dahil dito, mahaharap ang mga naarestong pulis sa patumpatong na kaso na may kinalaman sa kanilang paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon naman kay NCRPO chief B/Gen. Vicente Danao Jr.a ang sindikatong nag-ooperate sa nasabing clandestine laboratory ay isang Canadian national na nakilalang si Timothy Hartley na kasalukuyang at-large na subject na ngayon sa hot pursuit operations.

Nabatid na ang apat na pulis ay miyembro ng Drug Enforcement Unit ng Subic Police Office.

Nadiskubre ang nasabing shabu laboratory matapos tumakbo sa nasabing bahay si Jericho ang subject sa buy-bust operation.

Ang apat na pulis ay nagsilbing kaniyang lookout.

“This type of laboratory is common in western countries, using improvised equipment and available chemicalsin the market,” wika pa ni BGen. Danao.