-- Advertisements --
Screenshot 2021 02 13 12 02 51

BAGUIO CITY – Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang lalaking nagtangkang magpuslit ng kontrabado sa loob ng Baguio City Jail, hapon kahapon.

Una rito, nakumpiska ng mga otoridad ang 10 plastic ng hinihinalang shabu na tinangkang ipuslit ng nasabing lalaki sa loob ng piitan na inihalo sa adobo at bakareta na dala nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Baguio City Male Dorm Jail Warden, Jail Supt. Mary Ann Tresmañio, napansin nila na medyo malalaki ang slice ng ilang karne sa adobo at bakareta na dala ng suspek kaya pinisil pisil nila ito.

Screenshot 2021 02 13 12 00 54

Aniya, naramdaman nila na may kakaiba na nakapagitna sa mga karne kaya hiniwa nila ito at habang isinasagawa ang inspeksyon ay biglang tumakbo ang suspek palabas kaya hinabol ito ng dalawang jail guards pero nabigo silang dakpin ito.

Matapos mahiwa ang mga karne ay tumambad sa kanila ang 10 plastic sachets ng hinihinalang shabu at dalawang sachet na naglalaman ng mga foil.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng mga otoridad ang mga CCTV footages para makatulong sa imbistigayon sa insidente.