-- Advertisements --
359160529 657486943072419 8849010006133155739 n

Matagumpay na nasabat ng mga awtoridad ang dalawang daang gramo ng hinihinalang shabu matapos silang mag-sagawa ng bust-bust operation sa Quezon City.

Ang naturang shabu ay tinatayang may street value na nagkakahalaga ng mahigit 1.3 milyon pesos.

Kinilala ang naging subject ng nasabing oeprasyon na si Ruben Madarang, 40-anyos.

Ang suspect ay matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District-Drug Enforcement Unit matapos na mabili sa kanya ang droga ng isang pulis na nagkunwaring buyer.

Ayon sa Quezon City Police District, dapat ay 50 grams lamang ng shabu ang nakatakdang transaksyon ngunit nakuha sila sa pang-iingat ng suspect ang tatlong pakete ng tig-50 grams ng shabu.

Dagdag pa ng pulisya, malalaking gramo ng shabu ang transaksyon ng suspect at umanoy ito rin ang nagbabagsak sa Lungsod ng Quezon.

Pangatlong beses na rin na naaresto ng pulisya ang naturang suspect dahil pa rin sa kasong may kinalaman sa ilegal na pagbebenta ng droga.

Patuloy namang itinatangi ng suspect na nagbebenta siya ng droga habang mahaharap naman ito sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
Top