CENTRAL MINDANAO-Itinapon na lamang ng mga suspek ang kanilang dalang shabu at baril sa Comelec Checkpoint sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na itinapon ng riding in tandem suspects ang kanilang dalang paper bag sa gilid ng kalsada malapit sa PNP Checkpoint sa Barangay Poblacion Mangudadatu Maguindanao.
Nang buksan ng mga pulis ang paper bag ito ay naglalaman ng isang uzi assault sub machine pistol, isang magazine, dalawang pakete ng shabu at drug paraphernalia.
Sinabi rin ni Mangudadatu Chief of Police Lieutenant Ramillo Serame na ang mga suspek ay papasok sana sa bayan ng Mangudadatu mula sa Tantangan South Cotabato.
Malaki ang paniniwala ni Serame na posibling ihahatid sana ng mga suspek ang dala nilang droga sa bayan ng Mangudadatu ngunit nang Makita ang PNP Checkpoint ay itinapon na lamang nila ang paper bag atr tumakas.
Sa ngayon ay pinaigting pa ng Mangudadatu PNP ang kanilang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations o SACLEO upang mapigilan ang pagpasok ng anumang krimen sa bayan.