Itinuturing ni Shaina Magdayao na regalo para sa kanyang 30th birthday ang nakatakdang pagbida rin ng kinatatampukan nitong feature film na “Ang Hupa” sa 2019 Tokyo International Film Festival (TIFF).
Idaraos ang nasabing festival sa Oktubre ngayong taon, isang buwan bago ang kaarawan ni Shaina sa November.
Unang naitampok ang nasabing Pinoy Sci-fi film ni Direk Lav Diaz sa prestihiyosong Cannes Film Festival sa France nitong Mayo kung saan nakakuha ito ng standing ovation mula sa audience.
“TIFF two years in a row?! Whhuuuttt?! Crrrrazzzyyy!!! I welcomed my first TIFF experience last year as an early bday gift – thought it was going to be a once in a lifetime thing,” ani Magdayao.
Noong nakaraang taon ay dumalo rin ang birthday girl sa TIFF bilang kinatawan naman sa rock opera ni Direk Lav na “Ang Panahon ng Halimaw.”
“What an early present for my 30th!!! OH HOW CAN I NOT LOVE YOU, 2019. I serve an awesome and generous GOD,” caption pa nito. (Star Magic photo)