-- Advertisements --
Shakira and JLo
Shakira and JLo

Mangunguna sina Jennifer Lopez at Shakira na magtatanghal sa halftime show ng Superbowl sa Pebrero.

Sa kanilang mga sariling social media ay nagpost sila ng mga larawan bilang paghahanda sa nasabing event.

Gaganapin ang nasabing Super Bowl sa February 2, 2020 sa Miami.

Huling naglabas ng kanta si Shakira noong 2017 at sa darating na Nobyembre ay ilalabas ang feature film tungkol sa nasabing mga kanta nito habang si Jennifer Lopez ay katatapos lamang ang kaniyang 2019 “It’s My Party Tour”.