-- Advertisements --

Ikinadismaya ng singer na si Shakira ang ginawang pag-video ng isang fan sa kasagsagan ng shooting ng kaniyang bagong music video.

Nagsasagawa ng video shoot ang singer sa LIV nightclub sa Miami ng mapansin niya ang isang fan na binibidyo ang kaniyang nakausling damit.

Itinuloy na lamang ng singer ang pagkanta at itinuro ang fan na nagvideo.

Matapos nito ay agad na nagtungo ang singer sa VIP area para sa susunod na eksena.

Maraming mga fans ang nakapansin na tila nasira ang mood ng singer subalit agad din na napalitan ang galit at kaniya itong pinalampas.