-- Advertisements --

Kinansela ni Colombian pop superstar Shakira ang kanilang show sa Lima, Peru matapos na ma-ospital dahil sa pananakit ng tiyan.

Sa social media account nito ay sinabi niyang dinala siya sa emergency room.

Pinayuhan din ito ng kaniyang doctor na kanselahin ang show dahil mahalaga ang pagpapahinga.

Labis naman ito ng nalungkot subalit tiniyak niya na inaayos na ng kaniyang team ang bagong petsa para sa nasabing show.

Noong nakaraang buwan ay sinimulan na niya ang kaniyang Latin Amercian show at sa Mayo 13 naman ay magsisimula ang kaniyang US tour sa Charlotte, North Carolina.