-- Advertisements --
Ibinahagi ni Miss Universe Philippines 2011 Shamcey Supsup ang paggaling nito sa COVID-19.
Sinabi nito na sa bahay lamang nila ito nagpagaling.
Itinuturing niya na mapalad siya dahil sa paggaling mula sa sakit.
Sa una ay nagulat ito dahil kahit fully-vaccinated na siya ay dinapuan pa rin siya ng virus.
Dagdag pa nito, kabilang sa symptoms na kanyang naranasan ay nawalan siya ng pang-amoy at panlasa.