-- Advertisements --

Inanunsiyo ng beauty queen-architect at tumatakbong konsehal ng Pasig City na si Shamcey Supsup na ito ay nagbitiw na sa kaniyang political party.

Kasunod ito sa kontrobersyal na pahayag ng kasamahan sa partido na si Atty. Ian Sia ukol sa mga solo parents.

Sa social media account nito, ipinaliwanag niya na hindi na sumasang-ayon pa sa grupo ang kaugalian partikular na ang mga kababaihan.

Bilang malaking paggalang niya sa women empowerment ay minabuti niyang magbitiw na lamang sa partido.

Magugunitang umani ng batikos ang ginagawang ‘biro’ umano ni Sia sa ginanap na cuacus ukol sa mga solo parents na maarin makasiping niya.