-- Advertisements --

May mga malalaking plano ngayong taon ni American boxer Shane Mosley Jr.

Sinabi nito na may nakalaang malalaking laban ang inaayos ang kaniyang kampo.

Dagdag pa ng 29-anyos na boxer, na sa kaniyang experience ay tiyak na mabibigyan ng magandang laban ang sinumang makakaharap niya.

Huling lumaban ito noong 2019 kung saan mayroon record ito na 15 wins at tatlong talo.

Ang kanyang ama ay ang boxing legend na si “Sugar” Shane Mosley na ngayon ay retired na at 48-anyos na kung saan umabot ang record sa 61 fights sa professional boxing.