-- Advertisements --

Ibinahagi ng singer na si Shania Twain ang pinagdaanan niya matapos na magpositibo sa COVID-19.

Kasabay ng kaniyang paglabas ng ikaanim na album niya.

May kanta kasi ito na “What You Gonna Do With That Air” na naglalarawan noong nagpositibo sa COVID-19 noong 2020 na nahirapan itong huminga.

Hindi niya malimutan ito dahil sa hindi niya alam ang gagawin kapag naubusan ng hangin.

Noong 2003 kasi ay nakagat ito ng insekto at nagkaroon ng Lyme disease na nagresulta sa pagkawala ng kaniyang boses.

Nakabalik lamang ito ng sumailalim sa throat surgery noong 2012 at dito ay nagtuloy-tuloy ang mga show niya sa Las Vegas.

Umaasa ito naman siya na mabigyan ng pagkakataon na magtanghal sa half time show ng Super Bowl sa susunod na taon.