-- Advertisements --
Nabigo si Maria Sharapova na makausad sa second round ng Wimbledon matapos umatras dahil sa injury.
Napilitang tumigil na lamang sa paglalaro ang Russian tennis star dahil sa pananakit ng kaniyang left forearm.
Hawak ng kalaban nitong si Pauline Parmentier ng France ang kalamangan 6-4, 6-7 (4-7), 0-5 nang tuluyang itigil ni Sharapova ang laban.
Laking panghihinayang naman nito dahil sa hindi niya natapos ang laban.
Taong 2004 ng magkampeon si Sharapova sa Wimbledon.