-- Advertisements --
Itinuturing ni Maria Sharapova bilang inspirasyon si Rafael Nadal na muling naglaro matapos ang injury.
Hindi kasi nakapaglaro ang 32-anyos na Russian player mula pa noong Enero dahil sa right shoulder surgery.
Nakatakdang lumahok ito sa Mallorca Open grasscourt event sa susunod na linggo bilang paghahanda sa Wimbledon.
Ayon kay Sharapova na isang magandang halimbawa si Nadal dahil sa pagiging pagmamahal nito sa larong tennis kung saan mula ng nakabalik ito sa injury ay agad itong nagwagi.