-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Patay sa pamamaril ang isang Shariah Lawyer sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Datu Khadaffy Dilangalen Blao.

Ayon sa ulat ng Midsayap PNP nasa loob ng mosque ang biktima sa Brgy Olandang matapos ang jum’ah prayer.

Sinabi ng ama ng biktima na si Datu Quezon Blao na isang suspek ang lumapit sa kanyang anak at pinagbabaril ito gamit ang kalibre.45 na pistola.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek at sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasamahan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Benito Rotia sa pamamaslang sa biktima.