Bakas ang suporta ng beauty queen na si Sharifa Akeel kaugnay ng pakikipag-bonding ng asawa nitong si Esmael “Toto” Mangudadatu sa dating karelasyon na si Sheryl del Rosario o mas nakilala sa stage name na Ynez Veneracion.
Sa tila post Christmas celebration kasi, ipinost ni Ynez ang bonding moment nila ni Toto at ng kanilang anak na ngayon ay 10-anyos na.
Pinasalamatan ng 40-year-old former sexy star si Toto sa pagiging “good father” daw nito sa kanilang love child at sana ay maulit ang “quality time.”.
Nag-iwan naman ang beauty queen wife ni Toto sa comments section ng tatlong kulay pula na heart emojis.
Taong 2010 nang napaulat na may relasyon si Ynez sa Maguindanao Second District representative pero nauwi sa hiwalayan sa kabila ng pagkakaroon ng anak.
Asawa naman ni Toto si Sharifa na kinoronahang Miss Asia Pacific International noong 2018, habang si Ynez ay mayroong “pandemic baby” sa non-showbiz boyfriend of two years na sinasabing 27-anyos lamang.
Kabilang sa hit movies ni Ynez noong kasagsagan pa ng career ay “Xerex,” “Takaw Tingin,” “Mga Babaeng Makasalanan,” at marami pa.