-- Advertisements --
Magsasama sa isang konsiyerto sina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid.
Sa kaniyang Instagram account inanunsyo ng tinaguriang ‘Asia’s Song Bird’ ang nasabing konsiyerto nila ni Mega Star.
Isasagawa ang dalawang gabing konsiyerto na pinamagatang “Iconic” sa Oktubre 18 at 19.
Itinuturing ni Sharon na isang dream come true ang nasabing konsiyerto dahil unang beses ito magaganap.