-- Advertisements --

Kinasuhan ng beteranang actress Sharon Cuneta at asawa nitong si dating Senator Francis “Kiko” Pangilinan ng cyberlibel ang beteranang showbiz columnist at host na si Cristy Fermin.

Isinampa ang reklamo ng mag-asawa sa Makati City Prosecutors Office nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa dating senador na kahit na sila ay public figure ay mayroon din silang karapatan.

Dagdag naman ni Sharon na noong 2021 ay pinaglapas lamang niya ang ilang komento ni Fermin subalit noong naapektuhan na ang kaniyang mga anak at pamilya tungkol sa mga kuwento at komento ng host ay hindi na nito pinalampas.