-- Advertisements --

Nanawagan ng pagdarasal si Sharon Cuneta dahil sa mga pinagdadaanan niya.

Sa kaniyang social media post, ibinahagi ng tinaguriang Megastar ang mga larawan ng kaniyang kuwarto kung saan may poster na gawa ng kaniyang mga anak at asawang si Senator Kiko Pangilinan.

Nasa hotel ngayon ang actress para sa 10-day quarantine matapos ang pag-uwi niya sa bansa.

Tiniyak naman nito na siya ay babalik sa showbiz matapos ang pamamahinga.

Magugunitang noong Mayo ay nagtungo ang actress a US para makapagpahinga at magpalakas.

Isa rin na ikinadismaya din nito ang naudlot na paggawa ng pelikula sa Hollywood.