-- Advertisements --
Pinuri ng mga fans ni Sharon Cuneta ang ginawa nitong pagpapapayat.
Sa kaniyang Instagram account ay marami ang nagulat sa pangangatawan ng tinaguriang MegaStar ng local showbizness.
Sinabi nito na limang-taon ang weight loss journey nito kung saan naging medium size na ang mga sinusuot nitong damit.
Makikita sa ibinahagi nitong larawan na kasama ang celebrity doctor na si Aivee Teo kung saan pinuri ni Teo ang pagpupursige ng actress para pumayat.
Magugunitang noon pang 2016 ay sinimulan ng actress ang pagpapayat subalit nagkakaroon ng pagkakataon na ito ay kaniyang nalilimutan hanggang noong nakaraang taon ay nagpursige na ito.