-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan ng beteranang actress na si Sharon Cuneta matapos na maging nominado ito sa bilang Best Actress sa 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Science (FAMAS) dahil sa pelikulang “Family of Two”.

Sa social media account nito ay nagpost ito ng larawan ng imbitasyon na kaniyang natanggap.

Pinasalamatan nito ang FAMAS Awards ganun din ang mga fans niya.

Kasama nito sa nasabing pelikula si Alden Richards na nominado rin bilang Best Actor.

Gaganapin ang awards night sa Mayo 26 sa Fiesta Pavilon sa Manila Hotel.