-- Advertisements --
Ibinunyag ni Sharon Cuneta na nagpabawas ito ng kaniyang dibdib sa US.
Sinabi nito na ito ang isa sa dahilan kaya nagtungo siya sa US para magkaroon ng breast lift procedure.
Magugunitang noong Mayo ay inanunsiyo ng tinaguriang Megastar na magtutungo ito sa US para makapagpahinga.
Nadismaya rin ito ng hindi mapasama sa isang Hollywood film dahil sa problema ng COVID-19 test result.
Noong nakaraang linggo ay dumating na sa bansa ang actress at ito ay naka-quarantine ng 10-araw bilang health protocols.