-- Advertisements --

Naka-isolate na ngayon si Sharon Cuneta matapos na magpositibo sa COVID-19 ang kaniyang asawang si Senator Kiko Pangilinan.

Sa kaniyang Instagram account, sinabi nito na nagnegatibo siya at ibang mga kasamahan sa negative sa antigen test habang hinihintay pa nila ang RT-PCR test.

Labis ang kaniyang pag-alala lalo sa kaniyang mga anak.

Hinikayat nito ang kaniyang mga fans na ipagdasal sila.

Nanawagan din ito na sundin lagi ang tamang health protocols gaya ng pagsusuot ng facemasks at palagiang paghuhugas ng kamay.