-- Advertisements --
Nakaranas ng depression si Sharon Cuneta matapos na hindi natuloy itong makasama sa Hollywood film ng komedyanteng si Jo Koy.
Isa kasi ang nasabing pelikula kaya ito nagtungo sa US.
Sinabi nito na patungo na sana ito sa Los Angeles ng ito ay magpa-swab test para sa flight mula LA patungo sa Canada kung saan gaganapin ang shooting at lumabas na ito ay positibo.
HIndi ito naniwala dahil sa mga sumunod na resulta ay nagnegatibo ito sa pitong iba’t-ibang mga laboratoryo.
Hindi na rin ito nawalan ng pagkakataon dahil plano nila ng kaniyang manager na bumuo ng production company.