-- Advertisements --
Sinorpresa ni Sharon Cuneta ang viral na lolo na piyanest na tumutogtog sa isang mall.
Sa video na ibinahagi ang asawa ng actress na si dating senador Francis Kiko Pangilinan na maraming mga fans ang natuwa ng sabayan ni Sharon sa pagkanta ang pagtugtog ng piyano ni Vidalito Infante o kilala bilang si Lolo Bong.
Unang tinugtog at kinanta ng megastar ang “Ikaw” at ang kantang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko”.
Noong pandemiya kasi ay nag-viral si Lolo Bong dahil sa pagtugtog nito ng piyano ng halos dalawang oras para makalikom ng pera sa kaniyang gamot.
Pinadalhan na ng dating senador ng tulong si Lolo Bong noong kasagsagan ng pandemiya at labis silang nagalak ng makita na nila ito ng personal.