-- Advertisements --

Sumasailalim ngayon sa physical therapy si Sharon Cuneta dahil sa pananakit ng kaniyang mga binti.

Sa kaniyang social media ay nagbigay ng update ang singer-actress sa kaniyang mga fans.

Sinabi nito na sumailalim ito ng dalawang session ng physical therapy at acupuncture cupping.

Dahil sa nasabing dinaramdam ay hindi na siya nakadalo sa concert ng kapwa singer na si Pops Fernandez.

Mahigit isang buwan na ng makaranas ng pag-ika-ika ng paglakad at pananakit ng mga binti kaya minabuti na magpasuri na ito.

Nagtitiis na lamang ito ngayon na nakahiga kaharap ang laptop habang nagpapahinga.