-- Advertisements --

Nanindigan si Sharon Cuneta na hindi na-hack ang social media account ng lalaki na nagbanta na gagahasain ang anak nila ni Senator Fancis Pangilinan na si Frankie.

Sinabi ng Megastar na may mga impormasyon na itong nakuha na totoong ipinost ng inakusahan ang pagbabanta sa anak nito.

Nagbigay na rin ng ilang impormasyon ang ilang mga netizens at fans ng actress sa kinaroroonan ng inireklamong netizens.

Magugunitang tumulong na rin ang National Bureau of Investigation para maaresto at makasuhan ang nagbanta na gagahasain ang anak ng singer/actress.