-- Advertisements --
Humingi ng pagdarasal sa kaniyang fans si Sharon Cuneta para sa celebrity stylist na si Fanny Serrano na dumanas ng massive stroke.
Ayon sa Megastar, nasa pagamutan si Serrano at ito nakakausap pa.
Hindi naman na nagbigay pa ng ibang detalye ang singer/actress sa kalagayan ng kilalang stylist.
Mahigit aniyang tatlong dekada na kaibigan nito si Serrano kung saan itinuturing niyang isang miyembro na ng pamilya.