-- Advertisements --

Ibinunyag ni Sharon Cuneta na muntik na silang maghiwalay ng asawang si dating Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan na kasama ang asawa.

May caption ito nagkasundo na sila matapos ang mahigit anim na buwan na may tampuhan at sinabing akala niya na magiging single siya sa pagpasok ng bagong taon.

Paliwanag pa nito na dahil sa kanilang hindi pagkakaintindihan ay siyang naging sanhi kaya hindi sila lagi nagkakasama sa kaniyang mga vlog sa biyahe niya sa South Korea.

Kinunan ang larawan sa 18th birthday ng anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan.

Ikinasal ang dalawa ng 24 taon kung saan mayroon silang tatlong anak na sina Frankie, MIel at Miguel.