Hindi na nakapagpigil pa ang aktres na si Sharon Cuneta at inilabas nito ang kanyang galit sa social media matapos may isang netizen na nagbanta ng rape sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan.
Kamakailan kasi ay gumawa ng ingay ang pakikipagdiskusyon ng 19-anyos na si Frankie tungkol sa isyu ng rape at victim-blaming culture sa Twitter.
Maaalalang naging usap-usapan din ang sagutan ni Frankie at ng radio personality na si Ben Tulfo dahil sa paksa.
Kasunod nito, isang netizen na pinangalanang Sonny Alcos ang umano’y nag-post sa social media kung saan nagbanta itong hahalayin ang dalagang anak nina Sharon at Sen. Francis Pangilinan.
Nang makarating kay Megastar ang naturang post, sumambulat ang kanyang galit na ibinuhos sa mga social media accounts nito.
Ayon kay Cuneta, gagawin ang lahat mahanap lamang ang netizen na nagbantang gagahasain ang kanyang anak.
“What an a–h-le of a father,” saad ni Sharon.
“Considering may anak kayong babae. Oo alam namin. At anuman ang pambabastos ng isang tunay na hayop na tulad mo sa asawa ko at LALONG-LALO NA SA ANAK KONG DALAGA, ay pagpapatunay lamang na may mga demonyong nasa mundo na tulad mo. Kaya tama ang ginagawa ng anak kong disente at matalino,” dagdag nito.
Sinabi rin ng actress-singer, may lead na raw sila para matunton ang mga employer ni Alcos, na sigurado raw na magkakaroon ng interes sa isyu.
Hihingin din daw ng actress-singer ang tulong ng kanyang kaibigang si Justice Sec. Menardo Guevarra.
“I WILL PERSONALLY MAKE SURE THIS KABABUYAN YOU HAVE POSTED TO DISRESPECT MY DAUGHTER IN THIS DESPICABLE, MALICIOUS AND INSIDIOUS WAY WILL BE OF GREAT INTEREST TO THEM.
“I AM ALSO FORWARDING THIS TO SEC. MEYNARD GUEVARRA WHO HAS BEEN MY FRIEND AND LAWYER SINCE 1992. HAHANAPIN KITA. I. WILL. FIND. YOU. YOU FACE ME, YOU COWARD. DUWAG.
“TANDAAN MO KUNG SINO AKO. NANAY NI KC, FRANKIE, MIEL, AT MIGUEL. YOU CROSSED THE LINE. GOD HELP ME AND THE LAW! GOD HELP YOU WHEN I FIND YOU. HINDI KITA PATATAHIMIKIN.
“TANDAAN MO ITO: AKO AY ANAK NI PABLO P. CUNETA. MALI ANG BINANGGA MO, DEMONYO KA,” pagtatapos ni Sharon.