Bakas ang panghihinayang ni Sharon Cuneta para sa pagpanaw ni Tarlac 1st District Rep. Carlos “Charlie” Cojuangco.
Ayon sa “Megastar,” naging malaking bahagi ng kanyang buhay si Charlie lalo’t umabot sa engagement ang kanilang relasyon.
Bata pa aniya sa edad na 58 ang kanyang dating fiance kaya nagulat noong ibalita mismo ng kanyang asawa na si Senator “Kiko” Pangilinan ang pagkamatay nito.
“It was Kiko who told me of your passing as we were in the car on our way to another campaign yesterday, and I thank God my dear husband understood and comforted me as my knees went weak and I suddenly became too quiet in my state of shock,” bahagi ng pahayag ni Cuneta.
Bigla ring nanumbalik sa alaala ng 56-year-old singer/actress ang magandang pinagsamahan nila ni Charlie, na tinawag niyang “partner” pagdating sa food trip at sa interes nila sa gun firing.
Dagdag nito na hindi man sila nagkatuluyan ay masaya ito dahil kapwa natagpuan nila ang mga taong nararapat at tinay na inilaan ng Diyos para sa kanila.
“Though we didn’t make it together, I was so happy when you found your Rio and my heart broke for you when you lost her.
“I found my Kiko and my own happiness too.“
Taong 2018 nang mabanggit ng ina ni KC Concepcion ang tungkol sa broken engagement nila ni Charlie noon kung saan kanya lamang inilarawan na “billionaire’s son” na muntik na niyang makatuluyan.
Nitong 2-22-22 (February 2, 2022) nang sumakabilang-buhay ang anak ng yumao na ring bilyonaryo na si “Danding” Cojuangco matapos inatake umano ng brain aneursym habang nasa Clark International Speedway sa Pampanga.
Sa ngayon, si Sharon ay nakatakdang bumida sa Hollywood movie adaptation ng award-winning novel na “The Mango Bride” ng Pinay author na si Marivi Soliven.
“SURPRISE! Hollywood, here come the PINOYS!!! Please pray for this project to succeed. My prayer is that it is able to open doors for ALL OF US in the industry – FINALLY!” saad nito.