-- Advertisements --

Naglabas ng pagkadismaya ang actress na si Sharon Stone sa mga hindi nagsusuot ng face mask para hindi kumalat na ang coronavirus.

https://www.instagram.com/p/CD7mIoWpXcA/

Kasunod ito ng pagpositibo ng kaniyang kapatid sa nasabing virus.

Sa kaniyang Instagram account, hindi nito maiwasan na isisi ang nasabing pagkakahawa ng kapatid sa mga hindi nagsuot ng face mask.

Bukod kasi sa pagkakaroon ng sakit na lupos ay na-diagnosed pa ng COVID-19 ang kapatid nitong si Kelly.

Nag-share ang actress ng larawan ng kapatid habang ito ay nasa pagamutan.

Pinayuhan nito ang kaniyang mga followers na magsuot na sila ng face mask.