Binalewala na lamang ni two-time former world welterweight champion Shawn Porter ang hindi matutuloy na laban niya kay Terence Crawford.
Hindi naman binanggit ng kampo nito ang sanhi ng pag-atras nito sa nasabing negosasyon.
Sinabi nito na hindi naman aniya mahalaga ang laban dahil isa lamang itong tune-up fight.
Handa umano niyang labanan ang sinumang boksingero na ihaharap sa kaniya.
Isa ngayon na pinag-aaralan ng kampo nito ay ang makaharap ang Filipino boxing champion Manny Pacquiao sa 147 lbs. catchweight.
Bukod sa fighting senator ay ang rematch niya kay Errol Spence matapos na talunin siya nito sa split decision noong nakaraang taon.
Ilan pa sa mga boksingero na interesado rin na makaharap si Porter ay sina Josesito Lopez, Omar Figueroa, John Molina at si Ivan Redkach.