-- Advertisements --
cindy 3

Patuloy ang pagbuhos nang pagbati sa Philippine beauty queen na si Cinderella Faye Obeñita matapos na manalo kaninang madaling araw bilang Miss Intercontinental 2021 pageant na ginanap sa Sharm El Sheik, Egypt.

Kabilang sa nanguna sa pagbati ay si Mrs Stella Marquez Araneta ang chairperson ng Binibining Pilipinas Charities, Incorporated (BPCI).

Batay sa kasaysayan si Obeñita ang ikalawang Pinay na nag-uwi ng korona bilang Miss Intercontinental crown.

Ipinaabot din ni Araneta ang pagbati ng buong Pilipinas sa ibinigay na malaking karangalan ng 25-anyos na beauty queen mula sa Cagayan de Oro City.

Ayon pa sa Binibining Pilipinas Charities noong una pa man ay maraming mga kababayan na ang pinahanga ni Obeñita at ngayon ang buong mundo na dahil sa kanyang ganda at galing.

cindy 1

“Mrs. Stella Marquez Araneta and BPCI proudly congratulate Cinderella Obeñita for bringing home the second Miss Intercontinental crown to the Philippines. From a Binibini who won the hearts of many Filipino fans, she impressed the whole world with her grace and charm throughout her pageant performance in Egypt,” bahagi pa ng statement ng BPCI. “We can’t wait to welcome back our latest international pride here in the country.”

Kaugnay nito, bumuhos din ang pagbati mula sa mga fans at netizens sa social media dahil sa mistulang kuwento ni “Cinderella” ang kanyang journey.

Si Cindy na isang Tourism operations officer at ang mga role models ay sina Saint Mother Teresa at basketball legend Kobe Bryant ay advocate ng cervical cancer awareness and prevention at press freedom.

Sa final portion ng question and answer sa coronation night, dito na pinabilib ni Obeñita ang mga nanood at judges nang tanungin siya sa isyu “kung ang pagsasalita ba ng inglis ay mahalaga para sa Miss Intercontinental.”

Cindy Obenita 2
Miss Intercontinental 2021 Cinderella Faye Obeñita

“As an ambassador I don’t think that speaking a specific language is very important here in Miss Intercontinental or any pageant at all. As long as that woman is a woman of power and grace, commitment, and intelligence,” ani Obeñita na sinundan ng hiyawan at palakpakan ng audience.