Patuloy na magdadala ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan ang shearline o salubungan ng malamig na hangin at mainit na hangin sa Bicol Region at Eastern Visayas.
Batay sa pagtataya ng state weather bureau mula sa DOST-PAGASA, posibleng magkaroon ng mga pagbaha o pagguho ng lupa dulot ng mga mabibigat na pag-ulan.
Habang makakaapekto naman ang easterlies ng mga kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat sa buong isla ng Dinagat Island, lalawigan ng Surigao Del Norte at Surigao Del Sur.
Ang mga nasabing mga rehiyon ay asahang mararamdaman ang mabibigat at katamtamang mga pag-ulan na maaaring mauwi sa mga pagbaha at pagguho ng mga lupa.
Samantala, ang ‘northeast monsoon’ o amihan ay magdadala naman ng mahina at katamtaman na mga pagulan sa buong lugar ng Cagayan Valley, Aurora, at Quezon. Habang ang ilang bahagi ng Luzon ay makakaranas ng ‘isolated light rains’ o mahihinang mga pagulan.