Magdadala ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan ang ‘shearline’ o salubungan ng malamig na hangin at mainit na hangin sa Southern Luzon.
Batay sa state weather bureau mula sa DOST-PAGASA, posibleng magkaroon ng mga pagbaha o pagguho ng lupa dulot ng mga mabibigat na pag-ulan.
Maliban dito, apektado rin ng shearline ang Bicol Region, Calabarzon, Mimaropa at Metro Manila.
Makararanas ang naturang mga lugar ng katamtaman at mabibigat na pagulan habang sa Metro Manila ay magiging maulap din na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan.
Habang ang Eastern at Central Visayas kasama ang Western Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated light rain dahil din sa shearline.
Makararanas din ng maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dahil sa northeast moonsoon o hanging amihan ang bahagi ng Cordillera Region, Cagayan Valley at Aurora.
Ang nalalabing bahagi naman ng Luzon at iba pang lugar sa Central Luzon ay makararanas din ng isolated rain showers o pulo-pulong mga pagulan dahil sa hanging amihan.
Samantala, sa Mindanao area makakaapekto naman ang intertropical convergence zone kung saan patuloy na magdadala ito ng mga kalat-kalat na pagulan, pagkidlat at pagkulog sa Basilan Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga Peninsula, Socsargen, at Davao Occidental.