-- Advertisements --

Inaprubahan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang pagpapalawig ng shelf life ng anti-covid drug na molnupiravir na gawa ng kumpanyang Mercks.

Sinabi ni FDA officer-in-charge Director Oscar Gutierrez Jr, na pinalawig ng mula anim hanggang isang taon ang shelf life ng nasabing gamot.

Dagdag pa nito na inaprubahan na rin nila ang emergency use authorization ng molnupiravir brand na Molnarz at Molnaflu.

Mayroon pang siyam na iba pang kumpanya ang nag-applay ng mas mahabang shelf life ng kanilang anti-COVID-19 medicines.