Ipinagbawal nasa Shenzhen China ang pagkain ng mga aso at pusa.
Magiging epektibo na ang nasabing batas sa Mayo 1 kung saan lahat ng mga hayop na inaalagan bilang “pet” ay hindi na maaaring katayin at kainin.
Dahil dito ay naging kauna-unahan na ang Shenzhen na lungsod sa China na magpatupad ng nasabing pagbabawal ng pagkain ng nasabing mga hayop.
Ilan sa mga puwedeng kainin ay ang mga baka, tupa, baboy, donkey , rabbit, manok, pato, pabo, pogo, gansa at ilang mga aquatic animals.
Ang sinumang lumabag ay mapapatawan ng kaparusahan gaya ng kung magkano ang presyo ng kinatay na hayop ay magiging 30 beses sa halaga nito ang babayaran ng mga lumabag.
Nitong Pebrero ay nagpasa ng batas ang China sa pagbabawal ng pagkain ng mga wild animals dahil sa naganap na coronavirus pandemic.