-- Advertisements --

Naglabas ng mahigpit na kautusan ang isang sheriff sa Florida sa pagbabawal ng pagsuot ng face mask sa kanilang trabaho.

Ayon kay Sheriff Billy Woods, pinagbabawalan niyang magsuot ng face mask ang mga empleyado habang nasa trabaho.

Maging ang bisita nila sa Marion County sa Florida ay kasama rin sa pagbabawalang magsuot ng face mask.

Paliwanag nito na ang nasabing hakbang ay para hindi sila mahirapan sa pakikipag-usap sa bawat isa at maging bukas ang komunikasyon.

Maging ang lungsod ng Ocala sa Florida ay pinagbabawalan din ang pagsuot ng face mask para umano hindi magkaroon ng problema sa pakikipag-usap.

Magugunitang Labis na tinamaan ng coronavirus ang Florida, subalit hati pa rin ang mga mamamayan doon sa desisyon nilang magsuot ng mga face mask.