-- Advertisements --

Tila idinaan ni Sheryl Cruz sa makabuluhang kasabihan ang kanyang tugon sa paglitaw ng akusasyon sa kanya na umano’y mayroong pagkakautang na matagal nang hindi pa nababayaran.

Ito’y sa pamamagitan ng kanyang social media account kung saan paksa nito na hindi siya nagdiriwang sa pagiging miserable ng ibang tao.

Dagdag pa nito na siya nakakalungkot na may mga taong mabilis manghusga sa kapwa, sabay giit na hindi niya kailangang magpaliwanag sa kanino man.

Ang post na ito ng 46-year-old actress ay isang araw lamang matapos ang akusasyon ng dati niyang kaibigang Overseas Filipino Worker na hindi na raw siya makontak gayong hindi pa nakakabayad sa hiniram na P100,000 noong kumandidato sa 2019 elections.

Kung maalala, unang nalagay din sa limelight si Janella Salvador matapos namang akusahan ng kanyang dating personal assistant na mayroon pa raw balanse sa huling suweldo.

Pero hinamon ito ni Salvador na siya ay idemanda kung talaga mayroong katibayan.