Pinakakasuhan na ng National Prosecution Service sina Shiela Guo na umanoy kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at Cassandra Li Ong na umanoy tumatayong authorized representative ng sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga.
Ayon sa ahensya, ang kasong ihahain sa dalawa ay paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code for Disobedience to Summons na inisyu ng senado.
Kabilang rin sa mga inirerekomendang kaso ay may kinalaman sa paggamit ng pekeng passport.
Kung maaalala, kinumpirma ng National Bureau of Investigation noong nakalipas na linggo na si Shiela Guo ay nakakuha ng Philippine passport sa pamamagitan ng ilegal na pamamaraan.
Samantala, sa naging pagharap ni Shiela Guo sa pagdinig sa senado kahapon, inamin nito na siya ay pinanganak sa China at hindi sa Pilipinas.
Dumating din umano siya sa bansa noong 2001 habang nahaharap ito sa deportation case para sa pagiging undesirability and misrepresentation alien nito.
Ipinag-utos na rin ng National Prosecution Service ang paghahain ng kaso laban kay Cassandra Ong dahil sa naging disobedience nito sa summons na inilabas ng mababang kapulungan ng kongreso.
Mahaharap rin ito sa reklamong obstruction of justice for harboring, concealing, or facilitating the escape of a criminal offender na may kinalaman pa rin sa ilegal na paglabas ng bansa ni Alice Guo.
Inirerekomenda din ng NPS sa NBI ang kasong falsification at sa iba pang ahensya ng gobyerno para sa kanilang bubuuing kaso at imbestigasyon.