Ililipat sa kustodiya ng National Bureau of Investigation si Shiela Guo mula sa Senado matapos i-lift na ang contempt order laban sa kaniya.
Paliwanag ni Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval na sa NBI muna dadalhin si Shiela dahil may mga nakita umano silang security concerns.
Nilinaw naman ng opisyal na nananatili pa rin na nasa ilalim ng BI ang legal custody kay Shiela dahil humaharap ito sa deportation case para sa misrepresentation at pagiging undesirable alien nito.
Tiniyak naman ni Sandoval na walang magiging special treatment kay Shiela habang nasa kustodiya ito ng NBI.
Maliban dito, nahaharap din si Shiela Guo, na may tunay na pangalan na Zhang Mier, sa reklamo may kinalaman sa paggamit ng pekeng PH passport at isa din ito sa mga respondent sa money laundering complaint na inihain sa Department of Justice.