-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senate Secretary Renato Bantug na nasa ilalim na ng kanilang kostudiya ang kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Kasunod ito ng pagkaka-aresto kay Shiela sa Indonesia, kung saan pina-uwi ito noong nakaraang linggo, kasama ang negosyanteng si Casandra Li Ong.

Ayon kay Bantug, bilang pagtalima ito sa una nang inilabas na warrant of arrest ng Senado dahil sa kabiguang humarap ng magkakapatid na Guo sa mga nakaraang imbestigasyon ukol sa POGO operations.

Sinabi pa ng opisyal na agad isinailalim sa pagsusuri ng doktor si Shiela bilang standard operating procedure.

Nabatid na dumating ito sa Senate premises bandang alas-12:00 ng tanghali, kung saan inihatid ito ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).