-- Advertisements --

Kinumpirma ni Shiela Guo, kapatid ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo, ang detalye ng kanilang naging pagtakas mula sa Pilipinas.

Sinabi nito na kasama niya sina Alice at Wesley Guo sa pag-alis.

Sumakay umano sila sa bangka bago nakapunta sa Malaysia.

“Sakay po kami ng boat sa dagat,” wika ni Guo.

Bago ito, may sumundo umano sa kanilang van mula sa kanilang bahay.

Pero hindi niya batid ang lugar kung saan sila ibinaba.

“Dito lang po kasi galing kami sa bahay, tapos may [nagsundo] sa amin na isang sasakyan,” pahayag pa ni Shiela.

Naniniwala ang mga senador na bahagi ng subcommittee on justice and human rights hearing, na malaki ang maitutulong ng impormasyong ito para makausad ang kanilang imbestigasyon.