-- Advertisements --

Dalawang beses nagsilbi si Shinzo Abe bilang Japanese prime minister.

Nagmula siya sa pamilya ng mga politiko na nagkaroon ng malaking bahagi sa kasaysayan ng Japan.

Ang lolo ni Abe na si Kishi Nobusuke, ay nagsilbi ring prime minister sa pagitan ng taong 1957 hanggang 1960.

Abe Shinzo japan

Habang ang kanyang ama naman ay naging foreign minister.

Noong 1993, tumakbo si Abe sa general election makaraang mamatay ang kanyang ama.

Mula noon si Abe ay naging pangunahing pigura sa Japanese politics.

Noong siya ay deputy chief cabinet secretary, binisita pa niya ang North Korea at maging noong siya ay naging prime minister na.

Naging leader si Abe ng Japan noong taong 2006 sa edad na 52-anyos.

Dahil dito itinuring siyang Japan’s youngest post-war prime minister.

Makalipas ang isang taon ang kanyang Liberal Democratic Party (LDP) ay natalo sa Upper House election, sumunod dito ang pag-resign niya bunsod daw ng paglala ng kanyang karamdaman.

Nang gumanda na ang kanyang kalusugan, pinangunahan niya ang kanyang partido na LDP sa landslide victory noong taong 2012 sa Lower House election na naging daan para muli na naman siyang naging prime minister.

Noong nasa puwesto na siya ay naging bukambibig ang kanyang “Abenomics” policy na naglalayong buhayin muli ang ekonomiya ng kanilang bansa.

Kinilala rin siya bilang magaling pagdating sa diplomatic front.

Dahil sa pagiging beterano na sa politika, muli nitong iniluklok ang kanyang partido sa panalo sa serye ng mga halalan kaya naman itinuring si Abe bilang longest-serving prime minister ng Japan.

Muli na naman siyang bumaba sa puwesto noong taong 2020 dahil pa rin sa isyu sa kalusugan.

Sa kabila nito nanatili pa rin siya bilang influential figure sa kanyang partido at sa politika sa Japan hanggang sa ngayon.

abe in davao

Huling bumisita sa Pilipinas si Abe ay noong January 2017 at nagpalipas pa ng magdamag sa Davao City dahil sa imbitasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinawag pa noon ng pangulo si Abe bilang bahagi ng pamilya ng Pilipinas at higit pa sa kapatid kung saan una siyang head of state na bumisita sa Mindanao.

Naging trending pa noon ng dalhin ni dating Pangulong Duterte si Abe sa kanyang simpleng kuwarto na nakasabit pa ang kulambo.