Inakusahan ng isang opisyal ng Italy ang kapitan ng isang barkong lulan ang mga migrants na tinangka raw nitong palubugin ang isang police boat.
Una rito, dinakip si Carola Rackete sa Italian port na Lampedusa matapos ang dalawang linggong stand-off sa pulisya sa dagat.
Ipinagbawal din ang kanyang vessel na Sea-Watch 3 na dumaong, ngunit kalaunan ay pinahintulutan na rin ito.
Sa pahayag ni Italian interior minister Matteo Salvini, tinawag nito bilang isang “rich, white, German woman” si Rackete na nakagawa umano ng “act of war.”
“She tried to sink a police launch with officers on board at night,” wika ni Salvini. “They say ‘we’re saving lives’, but they risked killing these human beings who were doing their job, it’s clear from the videos.”
“A vessel weighing hundreds of tonnes tried to ram… a police launch with officers aboard, who managed to get out of the way to save their lives. That’s a criminal act, an act of war,” dagdag nito.
Maaaring makulong ng hanggang 10 taon si Rackete sakaling mapatunayang inatake nga nito ang police boat.
Noong Hunyo 12, iniligtas ni Rackete ang 53 migrants sa baybaying sakop ng Libya kung saan nakasakay ang mga ito sa isang inflatable raft sa Meditteranean Sea. (BBC)