Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na siyang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang caretaker ng Malacañang habang nasa Japan ito na tuloy na ngayong araw ang shipment ng mga basurang natengga sa Pilipinas ng ilang taon pabalik ng Canada.
Aabot daw sa P10 million ang halaga ng bayad sa shipment ng mga basura pabalik ng Vancouver.
Pero ang Canadian government naman daw ang bahala sa bayad ng shipment.
Ang mga basura na nakalagay sa mga container vans ay isasakay sa shipping companies na Maersk, Sim at CMA-CGM.
“I have just been informed that the Canadian trash will finally be shipped back to clCanada tomorrow. The cost of reshipment from Manila to Vancouver, estimated at Php 10 million, will be shouldered by the Canadian government. the container vans will be loaded on vessels owned by three shipping companies,” wika ni Guevarra.
Una rito, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na natapos na ang fumigation process para sa 69 container vans sa Subic, Zambales.
Naniniwala si Locsin na maibabyahe ang mga ito ngayong araw.