-- Advertisements --

VIGAN CITY – Posibleng matapos na umano ang shipment o pagpapadala ng mga gagamitin para sa May 13 midterm elections sa susunod na linggo.

Ito ay matapos ang paglilimbag ng mga balotang gagamitin para sa darating na halalan na aabot sa 61 milyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Comission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez, sinabi nito na kasalukuyan na umanong isinasagawa ang shipment sa mga gagamitin sa nasabing halalan para sa mga malalayong lugar sa bansa.

Aniya, karaniwan na umanong nahuhuli ang mga gagamitin sa mga malalapit na lugar kagay ng sakop ng National Capital Region (NCR).

Idinagdag ni Jimenez na bukod sa mga orihinal na makinang gagamitin ay mayroon na ring mga contingency machine na naka-standby sa mga regional offices ng Comelec sakaling kailanganin.

Kaugnay nito, muling tiniyak ng tagapagsalita ng Comelec na tuloy na tuloy na umano ang halalan na isasagawa sa susunod na buwan.