-- Advertisements --
canada trash 1
Canada trash (file photo)

Makokompleto na umano ang proseso ng pagbabalik sa Canada ng 1,500 toneladang basura na ipinadala sa Pilipinas noong 2013.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, natapos na ang fumigation process para sa 69 container vans sa Subic, Zambales.

Naniniwala si Locsin na maibabyahe ang mga ito sa Mayo 30, 2019.

Sa kasalukuyan ay hinihintay na lamang ang mga kaukulang dokumento at routine permission para sa transshipment ng mga basura sa Canada.

Nakahanda na ang plano ng Canada para sa basurang ibabalik ng Pilipinas sa darating na Hunyo.

Ayon kay Sav Dhaliwal, chairman ng Metro Vancouver, may rekomendasyon na ang Environment and Climate Change Canada na dalhin ang 1,500 tons ng basura sa Burnaby para ma-convert bilang electric power.

Sec Teddy Locsin DFA
Photo © Teddy Locsing Facebook Page

“ALL CONTAINERS CONTAINING GARBAGE CLEANED AND READY TO GO. WAITING FOR A COUPLE OF DOCUMENTS AND ROUTINE PERMISSION FROM CHINA FOR TRANSSHIPMENT TO CANADA. DEPARTURE IS MAY 30. Anybody gets in the way one way or another, I will screw you dry. Don’t provoke me,” ani Sec. Locsin sa kanyang Twitter account.